A Travellerspoint blog

spongha

sunny

Nitong mga nakaraang linggo, akala ko malalagutan na lang ako ng hininga sa sobrang sama ng loob, sa sobrang hinagpis ko sa buong uniberso. Pero salamat na lang at andito ang mga taong walang sawang umaakay at nagbabangon sa 'kin tuwing dinaratnan ako ng delubyo.

Pakiwari ko'y mas mainam pa ang itinapon mo na lang ako sa kanal, parang mga patalim na unti unting humihiwa sa puso ko ang mga salitang binitiwan mo. Nakalimutan mo na ba ang mga panahong sabay nating binilog ang buwan upang bumuo ng mga pangarap, upang makasakay sa alon ng buhay. Pero mailap pa rin sa 'tin ang tadhana.

time.space.warp.

(insert song: the man who can't be moved)
Sa hindi ko malamang kadahilanan ay kung bakit mo hinahayaan na magkaganyan ang sitwasyon mo, o kung bakit ka pumapayag sa ganong kalakalan? Ano ng nangyari sa kilala kong matapang at humahamon sa giyera ng buhay?

(ako, on spongha mode.. until further notice.. )

Posted by petiks 09:41 Archived in Philippines Tagged events Comments (0)

usapang cosmic

sunny -17 °C

Lahat daw ng tao ang pinagbubuklod ng isang pwersang hindi nakikita, "invisible hand" ika ni Josh. Lahat ng nangyayari at mangyayari sa paligid mo ay nakatakda. Sabi nga ni Toi "we are placed where were suppose to be". Hindi nangyayari ang mga bagay dahil nagkataon lang...

Posted by petiks 14:27 Archived in Philippines Comments (0)

haaaaaaaaaay...

breath... just breath....

storm

minsan ko ng nabanggit na ang lahat ng bagay ay nakatakda. naisip ko tuloy, tayo ba ang itinakda? or isa lang tayo sa mga bagay na itinakdang kailangang daanan at pagdaanan? nakatakda rin ba ang ating pagkikita? kung gayunman, kailan? saan? at paano?

bullet day - literal translation ng "balang araw". lahat ay mangyayari balang araw.

pero sabi rin ng iba, we make our own destiny. tayo kaya, magagawa kaya natin yun? nakakalungkot ang bawat paglipas ng araw at mga sandali habang iniisip ko kung kailan darating ang bullet day para sa 'ting dalawa. nakakatakot kasing isipin na baka bukas makalawa ay wala ka na lang bigla. maglalahong parang bula. ikaw itong parang hangin na hindi ko mahuli. parang bagyo na pabago bago.

oo, natatakot ako sa kung anong meron bukas para sa 'ting dalawa. pinapraning ako ng malikot kong imahinasyon. hindi ko kasi alam kung saan kita hahagilapin kung isang araw ay bigla ka na lang hindi magparamdam, paano na ako? saan na lang ako pupulutin? at hanggang saan ko kakayanin ang mag-isip sa kung anong nangyari sa 'yo.

sa totoo lang naghihinanakit na ko sa 'yo. ni hindi ko man lang alam kung saan ka tatawagan, kung asan ang pamilya mo, kung saan ko sila pwedeng tawagan para itanong kung napano ka na at kung buhay ka pa ba, ni hindi ko alam kung saan kita pwedeng puntahan.

ilang linggo na rin ang nakalipas nung sinabi mo ang 'totoo'. sabi ko 'ok lang'. sabi ko naiintindihan kita, naiintindihan ka ng puso ko. pero pag ang utak ang umiral naiiyak ako. paano mong nagawa sa kin yun? anong ginawa kong mali para isukli yun? ang sama ng loob ko sa 'yo. halos lahat ng gusto mo pinilit kong sumunod, pinipilit kong sundin lahat. hindi naman sa nagrereklamo... masama lang talaga loob ko at hindi ko ito masabi sa 'yo. bakit? kasi ayokong sumama ang loob mo. may tendency ka kasi ng pagiging moody. bigla lang magbabago ang ihip ng hangin pag may hindi ka nagustuhan. ayokong nagagalit ka o magalit ka sa sarili mo o sisihin ang sarili mo. kasi pag nagkaganun.. hindi mo nanaman ako kakausapin, o iiwasan mo nanaman ako. o baka iwan mo ko.

ayokong maiwanan. masakit yun. kaya ayokong mang-iwan pero $#%#$%@#$%@#$% sumasabog na ko sa sama ng loob!

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay....

Posted by petiks 09:36 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 1 - 3 of 3) Page [1]